Inay - Hangad Acapella

Tatlo ang aking itinuturing na ina sa mundo ibabaw na ito…

Ang pang-una, Ang mahal na Inang Maria, na lagi kong sinusumpungan kung ako ay may kinakailangan na ni minsan ay hindi ako binigo.

Ang larawang ito ay aking ipininta ilang taon na ang nakalilipas, Ang inang Maria hawak ang kanyang pinakaiingatang supling.

Ang pangalawang Ina ko ay ang aking lola Nanay, SLN ang kanyang kaluluwa. Naaalala ko pa na nung maliliit kaming magkakapatid, mahilig kaming kumain ng balat ng manok, siya ang nag hihimay ng mga balat para ipakain sa amin. Ito ay isa sa mga larawang nagalugad ko tangan tangan ang inyong lingkod… opkors nung baby pa. Ngayun ko lang napansin, kamukha pala nya si Rio Locsin, medyo chubby nga lang.

Pansining ang larawang ito ay may liham sa bandang likuran, isa kami sa tinuturing na “katas ng Saudi”, si Beth ay ang lolo Kuya ko na nag trabaho sa Saudi noong siya’y bata bata pa. At siyempre, laging bida sa tahanan ng mga pamilyang me OFW nung panahong yun ang carpet na ginagawang wall painting sa pader.

Si Joey ang tatay ko.

At siyempre pa, Ang isa sa mga bida ng buhay ko, Ang aking Mame. Isa pa rin sa mga nahalukay kong mga larawan. Ibang klaseng nanay to! Isa siyang Rockenroll mother to the highest level! at di ko ipagpapalit maski kanino man.

Sabihin man nilang overrated ang mga nanay… Eats your hart out! (ala Melanie Marquez combined with Janina San Miguel) mothers still knows best! (walang ng masabi at walang sense).

Yun Lang!

PS. Ano ang aranya?

Ang ibang larawan ay makikita sa www.litratongpinoy.com