Yes! The world revolves around me…
7 May
Inay – Hangad Acapella
Tatlo ang aking itinuturing na ina sa mundo ibabaw na ito…
Ang pang-una, Ang mahal na Inang Maria, na lagi kong sinusumpungan kung ako ay may kinakailangan na ni minsan ay hindi ako binigo.
Ang larawang ito ay aking ipininta ilang taon na ang nakalilipas, Ang inang Maria hawak ang kanyang pinakaiingatang supling.
Ang pangalawang Ina ko ay ang aking lola Nanay, SLN ang kanyang kaluluwa. Naaalala ko pa na nung maliliit kaming magkakapatid, mahilig kaming kumain ng balat ng manok, siya ang nag hihimay ng mga balat para ipakain sa amin. Ito ay isa sa mga larawang nagalugad ko tangan tangan ang inyong lingkod… opkors nung baby pa. Ngayun ko lang napansin, kamukha pala nya si Rio Locsin, medyo chubby nga lang.
Pansining ang larawang ito ay may liham sa bandang likuran, isa kami sa tinuturing na “katas ng Saudi”, si Beth ay ang lolo Kuya ko na nag trabaho sa Saudi noong siya’y bata bata pa. At siyempre, laging bida sa tahanan ng mga pamilyang me OFW nung panahong yun ang carpet na ginagawang wall painting sa pader.
Si Joey ang tatay ko.
At siyempre pa, Ang isa sa mga bida ng buhay ko, Ang aking Mame. Isa pa rin sa mga nahalukay kong mga larawan. Ibang klaseng nanay to! Isa siyang Rockenroll mother to the highest level! at di ko ipagpapalit maski kanino man.
Sabihin man nilang overrated ang mga nanay… Eats your hart out! (ala Melanie Marquez combined with Janina San Miguel) mothers still knows best! (walang ng masabi at walang sense).
Yun Lang!
PS. Ano ang aranya?
Ang ibang larawan ay makikita sa www.litratongpinoy.com
39 Responses for "LP : Mahal na Ina"
Ano nga kaya yun? Di ko din alam.
Mahusay ang pagkapinta mo!
Medyo bata-bata ka pa siguro. Colored na kasi ang iyong mga litrato.
@em dy… clueless din ako hehe, salamat sa pagbati.
@linnor, di naman masyado… refer to this post http://jeprocksdworld.com/the-big-3-oh/
an tisoy mo pala nung bata ka. amerikanong amerikano.
nahanap ko na… ang aranya… chandelier. hehe
photoshop lang yan paula ahahaha joke… natural…
aba pogi points ang larawan mo! heheh
galing ng obra mo!
siya nga pala di pa ako nahabol ni cathyy… heheheh
ang galing naman ng kamay mo sa pagpinta! wala ako nyang talentong iyan…pintahan ko nlang ang dingding pwd pa…
Ganda naman ng guhit mo – kahanga-hanga!
Tama ka, mala-Rio Locsin pala ang lola mo – hehehe.
Isang malugod na pagbati mula sa isang “nakikikatas din ng Saudi” sa kasalukuyang panahon! Mabuhay ka!
ang gandang pagmasdan ng mga lumang larawan…
ang ganda ng larawan! kitang-kita ang mag-ina!
magandang huwebes sa’yo!
ang husay ng gawa mo. malaki ang paghanga ko sa mga taong magaling magpinta.
nakakatuwa, may mga kopya ka pa ng mga larawan mo galing sa isang film camera. yung mga akin, nakakatakot alisin sa album at baka biglang malusaw sa paghawak ko. haha
maligayang LP! sensya na at wala pa akong lahok. bukas na lang po
ay, ang cute naman ng baby! hehe… pintor ka pala, ang galing!
haha.. pasensiya nagbeauty sleep muna ang kuting at pinabayaan ko na si mousey…
nakakapan-sentimyento dahil sa mga larawan mo
me natutunan ako sa yo. mamaya ay titingnan ko ang mga aranya sa greenbelt
Kyut mo naman nung baby ka. Btw, kapitbahay ko si Janina San Miguel ngayon…dati naman si Melanie. Seryoso
Kapogi namang tisoy na beybi. Kakatuwa ang mga larawan mo at ng iyong ina.
Maligayang Araw ng mga Ina para sa iyong ina.
Jeff, ano yung aronya na naputol sa pangalawang litrato?
Ang sarap magkaraoon ng dalawang taong ina na nagmamahal sa iyo. Swerte mo!
Salamat sa tip. Ganyan ba ang istilo dapat ng mga bahay na tunay na katas ng Saudi… maglalagay na rin ako ng carpet sa dinding ng bahay ng namin… hehehe!
yung carpet sa bahay namin ganyang ganyang walang pinagkaiba. pina frame na namin kasi na-aatas na yung mga sinulid sa gilid.
Maligayang Araw ng Mga Ina.
ehehe. nasagot mo na eh. chandelier nga!
Nakaka-touch naman ang post mo ngayong linggo. Ang gwapo mong bata ah?
Ang aking litrato ay naka-post na rin, daan ka sa aking blog kung ikaw ay may panahon:
Shutter Happy Jenn
Maraming salamat!
Hahaha, naaalala ko, one time nagpa-gas tayo kasama mame mo… sabi niya doon sa gas boy… “psst. pogi!”
@char, mismo! ahahaha
ang ganda ng lumang larawan, colored pa din kahit matagal na
gandang lp!
maligayang mother’s day sa mga bidang ina sa iyong buhay.
binabati kita sa iyong galing sa pagpinta.
Munchkin Mommy
Mapped Memories
you’re so blessed, kaibigan. not too many people are lucky to have three mothers in a lifetime. happy mothers day to all three of mommies. God bless
ang kyut na beybi!
naalala ko tuloy ang lola ko….natawa ako sa comment re “carpet sa dingding” eh kasi di ba nung dati ganyan ginagawa ng mga nanay, pangdecorate
nice photos. touching! mother’s are best!
ang bait naman ni lola.
talagang alagang-alaga ka noon bata ka pa. at oo nga, kamukha sya ni Rio Locsin.
rakenroll nanay pala.
astig.
Jeff, si fader pala hawig mo kung ganun? Kayumanggi si madir mo dito sa pic eh…Happy Mother’s day kay madir muah!
artist ka pala. galing!
Isang pagpugay sa mga mahal na inay. salamat sa pag share ng mga larawan mo.
@everyone, salamat po sa pagdaan, at pagbibigay halaga sa aking likha. Hangang sa muli
@thess, di po e… ampon ata ako
)
hi jeprocks! nakakaaliw ang mga lahok mo.
ang galing naman at nahalukay mo pa ang mga ’sinaunang’ litrato na yan… at may dedikasyon pa!
maligayang araw nang mga ina sa iyong mga tinuturing na mahal na ina.
Ang cute naman ng mga baby pictures mo
Bihira na makita ang mga litratong ganyan ngayon.
Salamat sa pag-share ng mga pictures mo. At iba ang dating ng naunang litrato mo. Magaling! Sobra!
cute ng mga pictures. yung sa akin ngayon ko pa upload.
ang galing talaga. photographer na, painter pa
ang galing ng mga luman litrato no? at ang saya ng sa iyo, may sulat pa. tuwang tuwa din ako sa mga litrato namin dito sa bahay, ang sarap pagtawanan ng mga lumang hairdos at porma
Ayos ang obra mo. Kakaibang kalahok yan
salamat sa bisita sa aking blog…
tama ka kakawate ang tawag namin sa Ilokos sa madre de cacao na namumulaklak pagkalipas ng Disyembre…
yung painting may sulat at seal na chinese ba o japanese o korean?
saan pala puedeng i-download ang mga kanta ?
@peterahon, chinese name ko po
hehe, yung songs sa bearshare ko lang nahanap
Leave a reply