Yes! The world revolves around me…
22 Jan
Ilang araw na lamang at malapit na ang Chinese new year. Napadaan ako sa Chinatown area at tila ang buong paligid ay kulay kahel! iba’t ibang sukat at iba’t ibang hugis!
Palumpong ng kiat kiat, isang uri ng pamilyang kahel nagkakahalagang mahigit P3,500.oo
Ang aking mga dentistang sila Dr. Charlene at Dr. Jill sa tradisyonal na pagbating tsino!
Iba’t ibang uri ng prutas : Kahel, pinya, peras, Lukban, dalandan, ubas at gabi (simbolo ng pagsasama ng pamilya para sa buong taon)
Mala-higanteng Kahel
At kahit kahel na yari karton ay di rin pahuhuli bilang pagsalubong sa nalalapit na Chinese new year of the Ox
Pansinin ang titik “N” na tila mirror image… tila Feng shui ang dahilan =))
Mga pinya (kung pagmamasdan ang hugis ng mga mata nito ay tila mga sinaunang pananalapi ng tsino, ang tunog nito kung bibigkasin sa tsino ay “Ong lay” na nangangahulugan:paparating na ang suwerte), mga gabi at dalanghitang maaring isabit sa pintuan pagdating ng year of the ox.
Only in Binondo… discount coupon ala Mcdo in Ang Pao pockets!
Muli! ang aking Pagbati sa inyong lahat Gong Xi Fa Cai!
Ang ibang lahok ay matutunghayan sa Litratong Pinoy!
31 Responses for "Litratong Pinoy : Kahel"
wow ang galing naman!
galing ka palang chinatown. tagal ka na silang di nabibisita!
Gong Xi Fa Cai!!
Nakakatuwa itong entry mo Jeff, talagang hitik na hitik sa kahel, impormasyon at libre ang Binondo tour!
ang career naman ng entry mo friend!
gusto ko ng oranges, ang asim ng nabili ni mamu kanina, ang dami pa man din nyang binili!
oo nga…sikat yang orange plant na yan pag chinese new year. wah, “ube money” for eng bee tin? suki ako niyan! pag nasa pinas ako…hehe.
kung hei fat choi!
swerte raw kasi ang mga bilog pag new year
@everyone… swerte nga raw ang oranges… kasi hugis bilog… and color orange is synonymous to GOLD
nice entry.. mala documentaryo ang dating..at ang daming ibat ibang klase ng oranges.. at nakkamiss na ding magliwaliw sa binondo.. ang daming mabibili
katuwa naman niyan! Ganito pala sa Ongpin pag bagong taon ng mga intsik. Iyong kiat-kiat, natuwa ako sa unang kita ko sa China noon, kasi sa kanila dekorasyon pero sa Pinas kinakain talaga hehehe!
Happy LP Hwebes! Enge tikoy!
naks galing…ganda ng kwento mo sa ongpin trip mo at you shared nice photos.
Happy LP
promising! WAGI!!!!!
lapit na nga ng chinese new year!
wala akong masabi..di ko maarok at mawari ang lengguwaheng gamit…hehehe
ayoss kahel na kahel with ang pao …
ergo… Gong Xi Fa Cai, Hong bao Na Lai
ahahahaha
ang aking lahok –> http://missy.dgonzalos.com/litratong-pinoy-kahel/
tamang tama ang lahok mo gawa ng malapit na ang chinese new year…la bang tikoy
LP:Kahel
kung hei fat choi!pa hi ngi ti ko oy
gusto ko ng tikoy pag Chinese New year.
cute si dra. Jill ha
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
nakakamiss yang lugar na iyan… miss ko rin ang hopia at tikoy! happy lp sa iyo…
ei! maraming salamat sa tour…na enjoy ko. Gong Xi Fa Cai! happy LP! narito ang sa akin: Reflexes at Living In Australia
Kung Hei Fat Choi!!!!
Kakatuwa naman tong mga pics na to….very candid!
Here’s mine:
http://ruthay.net/2009/01/litratong-pinoy-3-kahel-orange.html
hehe, daming kahel nyan ah….
Hindi ka sisipunin sa dami ng kahel! Great series of photos! May tikoy din ba jan? Miss ko n yun! Happy LP!
daming bagay na kulay kahel!
ay, hindi lang sa LP ang tema mo ha, pati Chinese New Year! Sarap magpunta sa Ongpin, ano?
Bwahahah! Ngayon ko lang nakita!! Jeff! Pahiram ng pics ha! Lalo na yung oNgpin! Hahaha. Mwah!
ang saya ng mga larawan mo!:) at na-miss ko ang ongpin!:)
Xinnian Kuai Le!
Talagang new year na new year ang ongpin…
Uy dami rin nyan dito. Ganda! Kung hei fat choi!
ang daming kahel, sobra! Happy CNY na din sa iyo ka-LP :0)
salamat din sa bisita
meron na rin akong entry at last!
(na naipakita ko na rin sa yo in person. hahaha. happy LP!
Jeff, happy chinese new year sa yo! Ang daming kahel na bilog… kiat kiat pala ang tawag doon… ang ama ko eh Bi kiat ang pangalan… siguro eh mukhang orange siya…hehehe!
naku, yan ang isa sa mga namimiss ko sa pinas…ang pagdiriwang ng chinese new year. hindi man kami chinese, nakagawian na rin naming ipagdiwang ang chinese new year.
Leave a reply