Yes! The world revolves around me…
23 Aug
Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay…
Tahimik at MASAYAng buhay…
Maraming Kaibigan…
at higit sa lahat, gusto ko pag-uwi ko ng bahay… lumalakad ako sa sandamukal na kwarta.
Bisitahin ang iba pang mga kalahok sa litratongpinoy.com
15 Aug
Here’s an entry I made in my morning pages a few days after the LP EB. Sketched as I recall it from memory.
14 Aug
8:30 AM Manila Time, Sinundo namin ni Ronnie si Lino at Thess sa kanyang pansamantalang inuupahang apartment sa may San Juan. Sa aming pagkikita, punong-puno ito ng kagalakan… Hindi malaman kung dahil sa aming muling pagkikita sa pagkatagal tagal na panahon, (ehem, o dahil sa pasalubong). Matapos ang ilang sandaling huntahan kami ay tumalima patungong Intramuros, ang lugar ng kaganapan.
Kami’y nag agahan sa Chowking at nagmamadaling umorder sapagkat ilang minuto na lamang ay oras na ng pinagkasunduang pagkikita, madali kaming kumain (subong construction worker ika nga) at laking gulat namin pagkada’y naruon pala si Jen at ang kanyang kuya, nagkataong katabi lamang ng aming napiling mesa.
Kami’y tumungo sa Manila Cathedral upang katagpuin ang iba pa naming kasamang naghihintay para sa “Matang Bola”. Nagpakilala si Keith at ang kanyang maybahay na si Pinky. Sumunod na nagpakilala si Arvin at ang kanyang Ate, at dito na magsisimula ang pagliliwaliw… Hayaang isalaysay ng larawan ang sumunod na mga pangyayari.
At sila’y naghanda patungong Fort Santiago…
Kitang kita sa kanilang namumutawing ngiti ang tuwa at galak dahil kinukunan ko sila…
At kami ay nakarating sa Fort Santiago… ng Tawa ng Tawa…
Wala na pong sumunod na larawan sapagkat ako ay nagsilbing psuedo quasi semi tourist guide sa kanila(dahil mas magaling daw ako ke carlos at mas cute ako ke ivan… JOKE). Kinatagpo namin si Girlie at ang kanyang pinsang si Kapitana Marie at si yaya. Nagsimula sa Intramuros nagtapos sa luneta. Ibang klaseng pagliliwaliw…
Mga quotable quotes…
“Grabe… ansakit ng paa ko… parang may sarili ng hartbit” ~pinky~
“Hinabol ako ng mga arabong bagets…” ~Keith~
Tingnan ang iba pang mga larawan ng kalahok sa litratong pinoy.
PS. ang mga larawan sa post na ito ay kuha ng isang paparazzing nagngangalang jeprocks!
~the end~
15 May
Ito ang isa sa pinakapaborito kong “bad habit”, sige, hulaan nyo…
NINGAS KUGON
Umaapoy nga… pero slight lang *wink wink*
~ito pong hawak ko ay isang painting na ilang taon ko ng di matapos tapos. Ewan ko lang bukas?
Ba’t ganito ang post ko? AYOKONG MAPASO!
Ang ibang larawan ng mga ibang kalahok ay masisilayan sa… www.litratongpinoy.com
7 May
Inay – Hangad Acapella
Tatlo ang aking itinuturing na ina sa mundo ibabaw na ito…
Ang pang-una, Ang mahal na Inang Maria, na lagi kong sinusumpungan kung ako ay may kinakailangan na ni minsan ay hindi ako binigo.
Ang larawang ito ay aking ipininta ilang taon na ang nakalilipas, Ang inang Maria hawak ang kanyang pinakaiingatang supling.
Ang pangalawang Ina ko ay ang aking lola Nanay, SLN ang kanyang kaluluwa. Naaalala ko pa na nung maliliit kaming magkakapatid, mahilig kaming kumain ng balat ng manok, siya ang nag hihimay ng mga balat para ipakain sa amin. Ito ay isa sa mga larawang nagalugad ko tangan tangan ang inyong lingkod… opkors nung baby pa. Ngayun ko lang napansin, kamukha pala nya si Rio Locsin, medyo chubby nga lang.
Pansining ang larawang ito ay may liham sa bandang likuran, isa kami sa tinuturing na “katas ng Saudi”, si Beth ay ang lolo Kuya ko na nag trabaho sa Saudi noong siya’y bata bata pa. At siyempre, laging bida sa tahanan ng mga pamilyang me OFW nung panahong yun ang carpet na ginagawang wall painting sa pader.
Si Joey ang tatay ko.
At siyempre pa, Ang isa sa mga bida ng buhay ko, Ang aking Mame. Isa pa rin sa mga nahalukay kong mga larawan. Ibang klaseng nanay to! Isa siyang Rockenroll mother to the highest level! at di ko ipagpapalit maski kanino man.
Sabihin man nilang overrated ang mga nanay… Eats your hart out! (ala Melanie Marquez combined with Janina San Miguel) mothers still knows best! (walang ng masabi at walang sense).
Yun Lang!
PS. Ano ang aranya?
Ang ibang larawan ay makikita sa www.litratongpinoy.com
Recent Comments