Yes! The world revolves around me…
30 Jul
Yesterday, I did some spring cleaning sa room ko, I woke up at around 8 in the morning pero natapos din ng mga 2 in the afternoon… ang daming kalat na naitapon… nilinis ko na rin yung mga rubber shoes ko saka electric fan… napaka therapeutic din pala ng paglilinis ng bahay… meditative at some point.
Nauubos kasi ang buong linggo ko sa pag-iisip… I mean, my work is stressful both physically and mentally. At least, when I’m doing some household chores like cleaning my room, parang di kailangang mag analyze, no need to decide on something, nobody to please except myself, nakakaexhaust din ng energy though, pero good exercise na rin siguro yun, hehe.
Last night, napanood ko sa channel 5 yung movie na “Last Luggage”, it’s a Dutch art film about the lives of some Jewish people after the holocaust. Nakakaiyak din yung patapos na yung film, kung makakahanap kayo ng DVD, go buy!
Dito na muna!
27 Jul
May tumutugtog din ng flute during the affair, simple lang pero elegante yung party…
cool din yung give away na incense sticks…



24 Jul
Tomorrow walang pasok, non-working holiday dahil may sona si Pgma… ok na rin, makapag pahinga ng konti. Medyo overdue na ‘tong pagsagot ko sa tag ni ate thess , so, read on.
What are the things you enjoy, even when no one around you wants to go out and play?
-Listen to my mp3’s o kaya mag draw… paint…
-Pag meron din akong mga books na binili ko na di ko pa nababasa, pag kakataon ko ng basahin ang mga yon.
-at syempre, mag INTERNET *geek*
What lowers your stress/blood pressure/anxiety level? Make a list, post it in your journal.
actually, meron talaga ako nito… hypertension…
-Meditation at Medication
)
-Do some beginner yoga poses…
-Mag-ikot ikot sa metro manila with Bug-Z (yung bike ko… pathetic, pinapangalan ang isang inanimate object
)
Now, it’s my turn to tag… paikutin ang tambyolo… At ito ang limang mapapalad as screened by our DTI representative…
21 Jul
Para tuloy gusto kong kumain ng fries ng mcdo… hehe.

20 Jul
Early morning, I was rushing to go to work, late! as usual… At pagsakay ko sa jeep, may nakakuyumos na pera sa sahig ng jeep… siguro mga 600 or more, 500 peso bill kasi atsaka hundreds, pinulot ko, tapos nilagay ko sa bag ko… walang ibang pasahero, ako lang, pero napag-isip isip ko, hindi sa akin ‘to… inabot ko sa driver ng jeep, sabi ko, “manong, may nakahulog yata nito..”, yung driver, just shrug…at nilagay ang pera sa lalagyan nya ng barya…
Lahat ng pinag kwentuhan ko nito… ang sabi… “ba’t mo binigay?”
Bakit nga ba? naisip ko… nakakahinayang… pero simple…
siguro nga … ma pride ako, ma “prinsipyo” sabi ni Arlene…
simple… “Ba’t ko kukunin ang di naman sa akin…”
Sagot nila… “di din naman yun sa driver e…”
may iba’t ibang kuru kuro…
“di mo naman ninakaw e… ang pagnanakaw… kusang kinuha habang nariyan ang may-ari…”
“Sana dinonate mo na lang sa taong di capable na kitain yung perang yun… o kaya sa charity…”
Ang sa akin lang…
Wala namang issue dun… pera lang yan ‘tol!
ikaw? ano sa tingin mo?
Recent Comments