Yes! The world revolves around me…
27 Feb
Its a long drive going home, i have a whole lot of time to think for myself… Tipong conversation with jeff, trust me, im no schizo, its just that, i value this private time with myself dahil minsan kapag uwi ko ng bahay plakda na talaga ako, eto yung mga oras na pwede kong i reasses yung buhay ko, kung paano ko matutupad ang mga pangarap ko, kung paano ko pa makikilala ang sarili ko, my strengths.. My weaknesses.. My weaknesses na akala kong weakness pero strength pala… Mga taong nasaktan ko.. Mga taong nanaglect ko, mga taong gusto kong gayahin dahil sa mga prinsipyong pinaniniwalaan nya sa buhay… At ang sining na ginagalawan ko.
Masarap mag-isip, masarap mag-isa, marami kang natututunan…
In the end… Pagsara ng libro ng buhay mo, pangalan mo naman ang nakasulat na may akda nito.
26 Feb
Its been really an exhausting day today, 4 times akong nagpabalik balik sa gilmore… Weekly na yata ang rendezvous ko dito, well, waddaya know, this time, monitor ko naman ang bumigay, kailangan ko ata ifeng shui ang pc ko dahil madami atang “bad chi”. Am doing this entry using my cellphone, hi techy.
Charlene dropped by the house kanina, galing daw siyang St. Peter, nagmeet sila ni Arlene… She was so thoughtful, binigyan pa nya ako ng cd ng jars of clay, na papanoorin nga pala namin this wednesday, medyo naguilty nga ako kasi di ko siya masyadong na entertain, but anyway, I know she understands.
Vangie texted me this afternoon, aba aba, nasa puerto galera… She asked me kung meron na daw akong puka shell bracelet… Ang to thoughtful talaga ng mga prends ko, sabi k sa kanya, bili nya na lang ako, para naman masuot ko sa summer, at syempre, sabi ko,try nya mindoro sling, at ayun, natry nya na daw, and she was really wasted after having a couple of shots.. Haaay, after all this stress, I wanna go somewhere really far… At mag relax relax.
By the way, yung outing namin, up till 4 in the morning, videoke to the max kami ni mj (new found friend ko na friend ni jinky na nagka sore eyes last week) ubusan talaga ng coins hwehehe, by the way, sayang di ako natuloy sa seminar.. Pagod sa outing, siguro sa susunod na lang.. Kung meron ulit.
Dito na muna
22 Feb
Same morning, nothing so special, medyo rush lang ng konti kasi trinasfer ko pa yung kape ko sa thermos, buti na lang di ako na late… otherwise I have to pay 40 for being late… I just wish alisin nila ‘tong crappy rule na ‘to, na wala naman akong makitang sense…
Same old stuff, free lunch, blowout ni Ms. bessie, nag Kenny Rogers na lang kami, nagkaroon ng aberya, ayoko na lang palakihin pero pissed off ako kanina dahil sa orderan na yan.
Sinundo ako kanina sa branch ni Tricia at sabay kami umuwi, though I waited for her ng medyo matagal… funny pa, kasi dahil hindi ako convinced na nakaalis ng branch nya, pinakausap pa ako sa driver ng fx na sinakyan na… tama ba naman yun…
Paul called me just a while ago and asked me if I wanted attend this saturday sa Arsobispado para sa seminar about Liturgical arts, syempre, medyo madami akong commitments kaya nag dalawang isip din ako, pero, at the same time, gusto ko na din pumunta, sayang naman kasi e… excited din ako, kaya I texted him to count me in for the seminar…
Dito na muna, update ko kayo sa outing namin sa thursday at sa seminar… oki docs manoks!
20 Feb
~~~~~~~~~~~~~~~~
Memory
All alone in the moonlight
I can smile happy your days ( I can dream of the old days)
Life was beautiful then
I remember the time I knew what happiness was
Let the memory live again
~~~~~~~~~~~~~~~~
Alas! Naayos na ang pc ko, after having a great deal of stress dahil sa pc na ito…
unang technician… sira ang motherboard mo… after 30 minutes, tawag sa cell… processor ang may diprensya, di ang motherboard, … pramis! gusto mo ng sempron?
pangalawang technician… check ko muna, sira ang processor… pero phase out na ang processor mo, wala ng makukuhang ganyan… either sempron ang kunin mo, na higer, o lower… after 2 days… ang motherboard mo pala ang may sira… mas mura yun…
Pangatlong technician, tawag sa phone, malamang sa power supply yan, 1 out of ten lang ang makakaisip na powersupply ang may diprensya, pero try mo din…
Sa sobrang gulo ng pangyayari, I decided to just bring my cpu to gilmore, at ang problema?.. Click! Ang Memory! nahihiya pa nga akong tanungin sa mamang technician kung ano yung piyesang sira, basta binunot nya from the motherboard, tas sabi, boss, eto ang sira, bilin mo na lang sa kabila… at ako namang si computer illiterate… lapit sa saleslady… “Miss, pabili nga neto (sa isip ko, ano ba to?)” Nahihiya man, tinanong ko na din sa tindera kung ano yun, RAM daw… kaya pag kakabit nung technician, gumana na… nakatipid ako… from 4k something, naging 1888 na lang, masayang inuwi ko ang pc…
Pagdating sa bahay… tadaaa!!! corrupt na ang windows…
Ano pa nga ba magagawa, reinstall…
aba… parusa talaga, mukhang pinarurusahan talaga ako, ayaw mag install ng windows, out of range daw… Anakngtipaklong !
Pero nilipat ko ang installer sa DVD rom… umandar!!!
hangang sa pag install ng tv tuner… aba! Balik sa dati…blackout na naman ang cpu…. waahhhhh!!!! sabi ko sa sarili ko… hindeeee!!! hindi na pwedeng ganito, binuksan ko ang likuran ng cpu, kalikot dito, kalikot dun…
And waddaya know…
ang galing ng pang limang technician… gumagana na… nagagamit na ng may-ari e :p

13 Feb
Guys, just want to share this pic with you, meet Cocoi, ang kitty cat ng friend kong si enggay, topak din to pag walang magawa e, pa surf surf na lang…
Enggay, paheram ng pic ha

Recent Comments