Jeprocksdworld

Yes! The world revolves around me…

Archive for January, 2005

Er?

Just got home… it’s friday… and no where to go… last wednesday, tinext ako ni Paul, nagpapatulong para magdecorate ng church… para sa Chinese new year.., sayang short notice, siguro i’ll give them some ideas and suggestion na lang…

Talked to Carla just a while ago, downplay na lang daw ng idea… sabi ko, sige i’ll just wait for their feedback.

Buti di masyadong matao kanina… nakauwi din ako ng maaga (relative)… maaga aga pala…

Nothing much to blog… dito na muna

  • 0 Comments
  • Filed under: Uncategorized
  • Balentayms?

    While on my way to work… aba naman… walking along the street, biglang sumabog yung gulong ng jeep na nasa tabi ko, bigla tuloy nagising ang antok na antok kong ulirat… mukhang masamang pangitain ito…

    at masama nga, pag sakay ko ng jeep… ang nakatabi ko?… mag jowang sobrang makapag “PDA”… eto ang score… bago bumaba yung babae, naka 5 kissing scene yata sila… HELLLLOOO!!!! malayo pa po ang balentayms….. Get a Rooommmm!! :D ops ops opss… wag nyo akong paratangang ingit… di po ako enget… nakakailang lang kasi, halos lahat pinagtitinginan sila… atsaka… bat kasi napatabi pa ako dun… pakiramdam ko tuloy kasama ako sa eksena… hwehehehehe….

    As usual, kahit di naman masyadong matao kanina sa opis, pakiramdam ko, busy busyhan… ang hirap lang talaga kasi 2 na lang kami ni sir Mike… di na nga lang siguro kami makapagreklamo sa kabusyhan… sana dumating na yung kapalit ni abby…

    Kahapon, may na receive akong postal registry… hmmm… napag-isip tuloy ako kung sino nagpadala nun… ang problema ko lang, kung kelan ko mapipick up yun… sana bukas ang post office ng sabado, kahit half day lang… excited na tuloy ako.

    Ey guys! I need your feedback, pa check naman kung ayos sa browser nyo ‘tong bago kong skin…

    dito na muna… Ciao!

  • 7 Comments
  • Filed under: Uncategorized
  • U-Turn

    Pauwi ako nung isang araw at napadaan sa greenbelt, ang ganda na talaga ng ipinagbago ng greenbelt park, pero nagulat ako na natawa, “the works” talaga ang park, meron pang in-house pato… it was really a pleasant surprise na makakita ng ganto… communion with nature baga…


    Mga pato sa greenbelt

    As you can see, new look ang aking blog… courtesy of Rcie… (like you have a choice, hehehe, thanks bro.!) Malamig ba sa mata…though di ko pa rin maaninag kung ano ba ‘tong background ng blog ko, got some bad news from a friend… well, ganyan talaga ang buhay friend… sometimes wala naman tayong choice sa mga uncontrollable circumstances na ganyan… pero it’s still your choice and dapat may will ka pa rin to rise from that situation… basta itutuloy naten yung valentines date naten ha :D … kung mabasa mo man to…

    Malapit na naman matapos ang buwan… kailangan ko na yatang kumilos… mali ang direction ko, mukhang kailangang mag U-turn.

    … And by the way, it’s my Dad’s birthday.

  • 2 Comments
  • Filed under: Uncategorized
  • Yesteday was really a bad day for me… lahat palpak… may OT kami dapat for the documentary clean up kaso di din tuloy, di daw nakahingi ng approval from head office so wala kaming access sa database, and I was informed when I was almost at the office, well, sabi ko, ok lang, might as well mag ikot ikot na lang since nasa makati na rin ako. Dumaan muna ako sa isang ukay ukay, I was trying to look for a funky shirt… kahit may meningococcemia scare :D mamatay din naman tayo lahat…

    Tapos pumunta ako sa waltermart… sabi ko, sige, ill just buy some stuff na dapat nabili ko last time. Nagpunta ako sa Watsons, at pumili na ng aking mga bibilhin, pag dating sa counter… I gave my credit card to pay for my items… aba! sabi ba naman ng cashier… kung pwede daw, cash… kasi first sale ako… Gusto ko siyang sigawan at sabihing “Anong bullsh*t superstition yan!? alam ba to ng boss nyo? alam ba ng may-ari ito?” Sabi nya, yun daw ang instruction ng manager nila… Well good for them, Swerte sila, nalugi lang naman sila ng 600 kasi di ko na lang binili yung stuff… balikan ko na lang daw, pag may unang bumili ng cash, saka ko daw pwedeng balikan… kayo na ang humusga kung anong merong service sila… sabagay ano ba naman ako sa milyong milyong sales ng sm… Ang masasabi ko lang… SANA MALUNOD KAYO SA PERA NYO!!! pinaglalaban ko lang naman ang rights ko bilang consumer… di ko naman ninanakaw yung pinamili ko… di ako galit sa cashier… galit ako sa may pasimuno nung kung anong kalokohang pamahin nila!


    Kudos (Not!) to Watsons

    Tapos late in the evening, biglang nag off yung monitor ko… ano ba naman tong araw na ito… palpak talaga… Sinet ko na na dalhin na lang sa monday yung monitor… para ipaayos… pero buti naman gumana this morning… whew…

    Fiesta ng Santo NiƱo today… ang daming nagpapabinyag kanina… Inimbita din ako ni Trish na mamyesta sa kanila, taon taon na lang daw lagi ako may excuse para di pumunta sa piyesta…. Di ako makakapunta, kasi may kinantahan kaming wedding ng friend, sa Christ the King sa may Greenmeadows… Well, Marge really looks great sa gown nya… kamustahan din with old friends… mga kasama namin dati sa singles… Best Wishes kay Marge…

    I guess that’s it for today… at sa Watsons… Wala lang…. SANA MALUNOD KAYO SA PERA NYO!!! Bwahahahaha!!!!


    Wedding Scenes

  • 5 Comments
  • Filed under: Uncategorized
  • I guess am doin fine…

    Been visiting my friends blog just a while ago, mukhang lahat sila nagpalit na ng skins for their blogs… I wish I have the time… or rather the inspiration para baguhin ‘tong look ng blog ko… It’s sunday today, attended the usual mass… after that, had lunch sa rob place at napabili ng silya ng di oras para sa room ko… tsk tsk… gastos na naman.
    Nothing new lately, except that nag resign na si abby sa amin and medyo nag aadjust pa kami ni sir mike since kulang nga ng isang tao… minsan napapagod na rin ako… sabi ko nga, wala naman akong reason if I leave my present job, ok naman ang mga officemates, yung trabaho? nakakayanan din naman kahit papaano, yun nga lang… di ko masasabing dream job ko ‘to… konti pa siguro… malapit na din ako… pero who knows… baka di pa ako tapos sa dapat kong gawin dito…
    Fate has always been kind to me… pero nung isang araw… nag dasal ako… sabi ko, sige na Lord, balato mo na sa akin to… gusto ko talagang mag work dun… up until now… parang wala pa rin akong naririnig na sagot… o ayaw ko sigurong pakinggan *sigh*
    Nuff rantings… *think happy thouhts* Am getting used to this new room of mine, though namimiss ko minsan yung old room ko… takot kasi ako sa space :) ) teka… amoy daing na bangus… mukang yun ang ulam namin… *hilo*
    Got to go… kain muna
  • 1 Comment
  • Filed under: Uncategorized