Woke up early this morning… ha! 2 days na akong di late… magandang signos…had coffee and rushed to work… pagdating sa branch…ayos ng ayos konti…fixed my stuff. Wala naman masyadong kliyente… maybe tomorrow… rambulan na naman to.
Nainis lang ako kanina dun sa dalawa kong opismate… (secret na lang ang mga pangalan… baka mabasa
), kasi yung isa may inuutos, tapos yung isa naman ayaw sundin, e dumaan lang sa akin yung instruction para i relay… naipit tuloy ako sa gitna… anyways… sila na lang ang magsabunutan… yokong tumanda dahil sa stress… *smile ulit*
Kanina, may inassist akong client… mukhang aatakihin sa puso… inoffer ko na lang ng water.. sumama daw ang pakiramdam… heartburn pala… buti na lang grace under pressure hehehe…
Been waiting for updates para sa souvenir program… but it seems na walang nagpaparamdam sa akin *taka* magwawala lang siguro ako talaga pag sinabing bukas na ang submission at ni isang itsura e wala pa akong nakikita…
went home early… post post sa ali…
What a boring day…
Monday na naman! ah katamad… pero pinilit ko pa rin ang sarili kong pumasok kahit tamad na tamad ako… I texted Arlene para sa feedback nung pictorial… mukhang wala sa mood. Tapos kaninang umaga, tumawag din sa cell ko si Jo, tunog problematic… kaso medyo busy kanina sa branch kaya I told her that I’ll call her, buti naman maayos na siya nung nag chat kami kani kanina lang. Andaming tao kanina sa branch, na claustrophobic tuloy ako…
Si Neo, nagtext din sa akin… may tinantanong about financial management… naks… mukang malapit ng makahigop ng mainit na sabaw ha… hmmm… *kindat*
Tapos, kanina si Gammy, nang gogood time, may ginagawa siya sa tali para malaman daw kung “virgin” pa o hindi na, tawa kami ng tawa kasi di naman daw accurate sabi nila… (ehem… ewan lang natin kung in denial sila… pero triny sa may mga anak na… semplang! di accurate) pampatawa lang talaga… hehehe… baliw din kasi to si Gammy e.
Mukhang in na in ang mga pantaserye lately sa TV… ano ba ‘to? parang nililihis tayo sa realidad… pero ok lang naman, hype lang siguro… sinimulan kasi ni Pareng Harry e… ayan nanggaya na naman tayo… Marina, Marinara, Mulawin… what will they think of next!?
Di pa rin ako nakakapili ng blogskin para sa dream journal ko… tsk tsk.. di pa rin kasi naayos ng web developer ko e… (naks sossy) hehehe… (parinig!)
August na … ilang buwan na lang… makakarining na naman tayo ng mga christmas carols… hmmm… mukhang walang matitira sa bonus ko… pambayad sa mga kautangan… tsk tsk!
dito na muna…
Recent Comments