Yes! The world revolves around me…
29 Jun
Nangyari nung sabado… pero ngayun ko lang nakwento… continuation ng pondong pinoy
Nag mack si char, sumama na raw akong mag lunch, sa pca, sabi ko sa kanya, after lunch ko na lang siya pupuntahan sa booth nya kasi nga free saturday ko yun… araw na pwede akong tumunganga. 10:30 na, decided to take a shower, maya maya, aba’t sinusundo na ako nung dalawa, si char and arlene… bigla ba namang nag house visit para pick upin ako… anyways, ano pa nga ba, e di sama na rin ako… had lunch with them, kakatawa yung mga prinesyohan naming merchandise ni char… kwela!
Sumunod si vange sa pca, galing daw office, patapos na kami nung dumating siya, so we have to convince her na umorder na rin kahit tapos na kami… medyo masama na ang pakiramdam ko nung time na to… pero pag nakakatawa ang mga kasama mo, parang nakakawala ng sakit
hehe
After having lunch, punta na kami para mga set up ng booth… andaming mga paninda, iba iba, me relos, may dried fruits, jamaican patties, squid balls, hamon, plastic balloon, masaya ang paligid though ang nagbibilihan lang, kami kami rin.
Nakaset up na ang booth, at ang daming bata, bisperas kasi ng piyesta kaya may childrens party sa parokya para sa mga bata sa community, yung iba ang kukulit at kinukuyog si char habang nag gliglitter tattoo sa mga customer nya… Major pissed off nga sya napansin ko… pero dinadaan na lang sa biro… patulan daw ba ang bata, bwahahaha.
.jpg)
Box office hit ang tattoo sessions ni char
Nung una, kami kami ang nagtatattooan, dahil ala pang customer…sabi ko, sige na, magpalagay na kayo ng tattoo para walking advertisment… until unti unti ng dumadating ang customer… unang customer… si Bernie… tapos sunod sunod na, naka buena mano na si char. It took 2 demos for me to get the idea of tattooing with glitters… tapos, confident na ako. Dami ko ring natattooan, and I hope nagustuhan nila yung tinattoo ko sa kanila.
.jpg)
All smile si charlene habang tinatattooan si Queenie, vange on the side
Masayang makita yung glitter tattoo… nakakadagdag sa festive mood nung bazaar… matagal daw mawala yun, mga one week, yung ibang student, takot magpatattoo… baka mapagalitan daw ni Sister… pero kung alam lang nila, si sister, pasilip silip din sa tattooan… parang trip magpalagay… sabi ko, “uy si sister, gusto yatang magpalagay, kaso walang cross e” bwahahaha!
.jpg)
Mga batang munti… kuntodo tattoo
Yung iba daring magpalagay ng tattoo, meron sa likuran, meron sa may bandang pigi… pinipilit nila akong maglagay na rin, sabi ko, tsaka na lang, may gimik ako mamya e… pero gusto kong magpalagay sana sa navel… hehe… daring ba kamo?
After the choir rehearsal, tumuloy na ako sa Gerry’s, may mga importanteng tao akong mineet.
Then, the next day… di na ako makabangon
27 Jun
This is a terrible day! I really feel sick! sa lahat ng sakit ko.. eto talaga ang pinaka weakness ko (tama ba itong analogy ko?), ubo,sore throat na may sipon! ansakit sakit na sa ulo, di ka pa makahinga, tapos ubo pa ng ubo… Kakainis, di tuloy ako naka attend ng Feast day mass namin kanina… kakalungkot talaga
, pero siguro nga may rason kaya ganito ang nangyari. Kailangan ko yata ng mahaba habang bed rest, pero titiyempo muna ako sa opis, para di naman abala… siguro nagkahawahan na sa opis, kasi lahat yata may ubo.
Higa na muna ako ulit… inom ng warm watha! *sneeze*
25 Jun
This is one lazy saturday morning, pero naappreciate ko, kasi ngayun lang ulit ako nagkaroon ng free saturday morning… after all the kabusy-han na nangyari sa akin this past few weeks, alas!… time for myself! Was blog hopping kanina, funny how this blog could be annoying sometimes, pag nagkukuwentuhan kami ng friends ko, parang ala ng mapag-usapan, kasi halimbawa.. tatanungin mo, “Kamusta na?” aba’t isagot ba naman, “Basahin mo na lang ang blog ko!” ano ba yun? napasama ba yata. Welcome to the Age of Technology, excused na tayong di mag interact,Physically that is!
Kanina, I was watching studio 23, yung palabas, tungkol sa launching ng Pondo ng Pinoy, an initiative by the Catholics composed of laities at kaparian to make a change in the country, primarily para maibsan ang poverty. May magandang kwento si Tagle, sabi nya, one time daw, may batang nagpunta sa seminaryo nila, at nagtanong sa kanya, “Ano po ba itong building na ito?” sagot ni Father, “Seminaryo, iho”, “Seminaryo? ano po yon?” tanong ng bata, “Diyan nag-aaral ang mga gustong magpari” sagot uli ni Father, “Pari Kayo?” tanong na naman ng bata, sabay hakbang sa unang baitiang ng hagdan, at muling nagtanong “Asan ang Diyos?”, Father Tagle was so shocked to hear those words… He was even crying when he was telling the story, ang sabi nya, andami nya na raw napagdaanang mga pagsusulit… ngunit itong tanong ang biglang di nya nasagot, ang tanong, hindi nanggaling sa mga dalubhasa, o mga iskolar tungkol sa pananampalataya, kundi sa isang Lazaro… Pinakain nya ang bata, kasama ang isang seminarista, gutom na gutom ang bata, at umiikot pa rin sa isipan ni Father Tagle sa tanong ng bata, tila di mahanap ang sagot sa katanungan ng bata, asan nga naman ang Diyos kung ganitong andaming batang nagugutom… ang tanong ay mag halong pangongosensya…”Father, nasaan ang Diyos?” Balisa ang pari, tapos na ang bata sa kanyang pagkain at handa ng ihatid ng seminarista ang bata sa kanilang komunidad, hanggang sa namulatan si Father, gusto nyang habulin ang dalawa… ang tanong, nagkaroon ng kasagutan…Sabi ni Father Tagle, “Nasaan ang Diyos?…ang Diyos ay dumalaw sa akin kanina, kinausap ako…ang batang nagtanong ng Nasaan ang Diyos, Father?”

It was really a moving story, and I hope that all of us will see the face of God in every people that we meet.
Mamya na ulit, Don’t forget to smile!
24 Jun
Set na ang appointment, thursday daw, mga 10:30 ng umaga, kailangan kong mag-install ng program para sa kliyente namin sa Ortigas, nakapagblog pa ako kaninang umaga, pwedeng ma late, hehe… sakay ng taxi, san daw ang gusto kong daan, sabi ko, kahit saan ho… Sta. Mesa na lang daw…ok sabi ko. Maya maya, inakup! ano to, antrapik! naknangtinola, piyesta pala sa San Juan! buti na lang nag taxi ako, malamang dalawang beses ako maligo neto, halos dalawang oras yata ang byahe ko sa sobrang trapik, pupugak pugak pa yung sinakyan kong taxi, sabi nung driver, “I lock mo yung mga pinto”, buti na lang naisip nya yun! eh ang kaso, maya maya, yung taxi nya, tumitirik!, panay panay ang dasal ko… nako! wag sanang tumirik! manong! wag nyo silang bigyan ng chance na basain tayo! sa awa naman ng Diyos, nakarating din ako sa kliyente… though naghintay ako ng konti kasi may binili lang daw yung tuturuan ko ng software… balik ulit ako sa branch, lunch…
Maagang natapos ang mga tellers…I still feel sick! sakit ng lalamunan ko, at clogged nose, sana umabot ako sa linggo, piyesta pa naman sa St. Peter… namiss ko na kumanta ng Psalmo…
Nothing significant happened today… June 24… 3 months na pala kaming magkakilala ni r_cie… funny how a stranger suddenly becomes your brother, parang antagal na naming magkakilala nito… my bosom buddy… as arlene would say it… to my kuya! salamat sa lahat! dito lang ako lagi.
Pahinga muna ako sandali… kailangang magpagaling.
21 Jun
Kanina, may nagwawala ba namang kliyente sa branch, kesyo wala daw nag aasikaso sa kanya, e nakita naman nyang andami daming tao, hindi na nga siya pumila, akala mo kung sino… e pareho lang naman kaming 6600 ang cellphone hehehe… sarap batukan! pero syempre, kailangan naka smile pa rin kami kahit na naghuhurumentado na siya… pero ok lang alam naman namin na nasa lugar kami… and in the end… nag thank you rin naman… na realize siguro na mali siya…
The day went fine, nothing significant, except dun sa naikwento ko about the client who went amok! Wala si Sir mike, nagpunta ng japan, 1 month siyang mawawala… tapos si ma’am shirley mag mamaternity leave na… mukhang kukulangin kami ng tao sa branch, pero makakasurvive naman siguro…
Pinanood ko sa dvd last sunday yung Big Fish…
Para may idea kayo kung ano yung wento… eto synopsis …
Edward Bloom (Albert Finney) has always been a teller of tall-tales about his oversized life as a young man (Ewan McGregor), when his wanderlust led him on an unlikely journey from a small-town in Alabama, around the world, and back again. His mythic exploits dart from the delightful to the delirious as he weaves epic tales about giants, a witch and conjoined-twin lounge singers. With his larger-than-life stories, Bloom charms almost everyone he encounters except for his estranged son Will (Billy Crudup). When his mother Sandra (Jessica Lange) tries to reunite them, Will must learn how to separate fact from fiction as he comes to terms with his father’s great feats and great failings.

tamang tama pang Fathers day, naiyak ako *kakahiya* hehehe… pero maganda kasi surreal…tsaka maraming words of wisdom… kung makakakuha kayo ng kopya, panoorin nyo.
Recent Comments