Yes! The world revolves around me…
31 May
Matapos ang pangongolekta namin sa isang kliyente ng kanilang deposito, niyaya ako ng boss kong mag lunch sa may Don Bosco, sa kanilang canteen…”Amici di Don Bosco” matagal ko nang nababalitaan tong canteen na to for their renowned coffee… the best daw talaga! ang hirap lang matiyempuhan kasi sarado sila pag weekend at pag weekdays naman hanggang 3pm lang sila… 1:30 na nun nung nakarating kami kaya halos ubos na ang ulam, ang natira na lang, fish fillet at sinigang na hipon, we opted for the sinigang… Nagulat ako sa serving… mga 8 hipon yata ang laman nung sinigang… at hindi lang basta hipon ha… para na ngang sugpo yung sukat! at ang kanin.. hindi cup… tinatakal talaga na gabundok! sa halagang 85 pesos… solve na solve… and here is the best part… the Gelati… eto yung italian ice cream na kung bibili ka sa mga kiosk ng mall, wala ng matitira sayo pang lunch… di sobrang tamis at di rin sing heavy ng nabibiling commercially available na ice cream, magaan sa dila… Pagdating namin sa counter ng gelati! waahhh! ansasarap ng flavor! hazelnut, pistachio, blueberry, cherry, tiramisu, toblerone, vanilla, at meron pang ABU SAyyaF! i wonder kung anong lasa nun? eto ang maganda… ang isang scoop… 30 pesos lang! kahit maka 3 scoop ka…ok pa rin! ansarap nung inorder namin, cherry vanilla, may nangangatangata ka pang cherries! kaya kung malapit lang naman kayo sa Amici, try nyo! makakatulong pa kayo, kasi Amici di Don Bosco is a cooperative ng mga workers ng Don Bosco, yung kikitain nung canteen sa kanila napupunta, nasarapan ka na, nakatulong ka pa! after taking the last drop of that gelati… ang nasabi ko lang… Il gelati migliore in città (The best gelati in town!)
30 May
Today is pentecost sunday, I attended our church service, wearing a sombre mood. Inistall na rin pala yung bagong CGC members ng FCCY, halos quarterly yata may ganitong nagaganap…
Kanina while listening to the homily… this line keeps on popping out of my mind…”Without the Spirit…we are beggars, with the Spirit… we are Kings”, it struck me most because of my experiences in the past, hindi sa material na bagay kundi spiritually. Dati, I always follow the prompting of the Spirit…pero parang lately… I’ve been doing it my way…makes me wanna stop for a while and think things over…
Prayer
Come Holy Spirit,
in mercy, cleanse my being…
in love, strengthen my Faith.
Open my lips to worship You,
Open my heart to see You.
Without you…I am nothing.
In you, I have everything
29 May
4:54 am and you might be wondering bakit gising pa ako, nag brownout dito sa amin at ngayun ngayun lang nagkailaw, nagising akong bukas ang pc ko… di na ako makatulog ulit. This has been a long day for me.
Eksena: sa Dad’s
Last friday, kumain kami sa Dad’s kasama lahat ng opismates ko… sobrang busog… though parang lahat ng chibog sa Dad’s parang iisa ang lasa…parang yoko ng maulit kumain dun.

Anna, Abby and Vil (clockwise)
Eksena : Gilmore
Sabado, gilmore with Rcie and joanne again… ala na yata kaming kasawaan magkita. May pinaayos lang kami… Habang papunta dun, walang katapusan ang wento ni joanne sa kanyang mga “Ngiiniig” experience… mumo and stuff…
Eksena : Sm Bicutan
pagkatapos naglunch kami sa sm bicutan, napabili tuloy ako ng optical mouse…kahit na pinipilit akong awatin nung dalawa. Bumili si joanne ng towels para sa kanyang mga babies habang kami ni rcie, ikot dun ikot dito. Diretso na sa bahay nila Ronnie.
Eksena : Bahay nila Ronnie
Pagbalik sa bahay nila RCie, nagpahinga ng konti, at as usual… tsibog na naman. Pinakain kami ng hipon, menudo, kare-kare, manggang hilaw with bagoong (eto yung inupakan ko…) at kilawin. Pinipilit nila akong kumain ng kilawin… perstym kong makakain nun… ang weird ng lasa… masarap siguro kung pulutan. After that pinagtimpla ko sila ng kape kong nakakaantok… nung una in denial si joanne na inaantok siya dahil sa kape ko… maya maya… bulagta na sa sofa joanne. Finally we decided to go home, pagod na rin ang lahat. Nakarating ako sa bahay at around 12:00 in the morning na.

Bomby, bullietgerl at Ymir
Eksena : sa loob ng kwarto ko…
Pag-uwi ng bahay, log-on agad… ilang araw akong di nakapagblog, browse browse sa ali, check e-mail… nang biglang…”nawala ang ilaw”… badtrip! wala akong nagawa… idlip na lang muna konti… naalimpungatan lang ako nung nasilaw ako sa monitor ng pc… online na naman… para sumulat ng entry.
27 May
Out of boredom… nag drawing na lang ako… mukhang may bago akong muse… hindi tao… hayup… kabayo… Twas always my dream to be a childrens book illustrator… di ko lang alam kung pwedeng mangyari in the NEAR future… gustong gusto ko talaga yung naive art… parang pambata… never liked realistic style of painting… kinunan ko na lang sana ng litrato…

Naive taka drawing
Killing Time
Walang magawa dito sa bahay, kain, tulog, surf…tv at tumunganga, buhay pensyonado. Was browsing for some job sites nag babaka sakaling may magandang opportunity(get the picture?) I’m really bored. Tapos yung isa ko namang friend, di sumasagot sa e-mail. Gusto ko sanang magdrawing… kaya lang nasira yung momentum ko dun sa natanggap kong text…Darn! Bukas… magtutuos kami, hehehe.
Kakatapos ko lang sumagot ng mga threads sa alimasag, kakatawa talaga yung mga tanong nila sa akin sa crabalita 69… minsan dahil sa tanong nila, kaya nakakatawa rin ang sagot ko.
Nagtext kanina si joanne sa akin… kinuha nya na rin daw yung isang doggy na kapatid ni schat… inakup! good luck! sana lang di ka agad malosyang sa pag-aalaga ng dalawang tuta.
May wedding kaming kakantahan mamaya sa diamond hotel… excited ako pero at the same parang restless pa rin ako sa mangyayari bukas kaya parang nawawalan din ako ng gana.
(Itutuloy…)
Recent Comments